Handa na ba ang mga taga-Maynila?
Sa darating na Sabado, March 7, 6 PM sa Dapitan Sports Complex, ihahatid ng paborito niyong mga Kabisyo ang isang espesyal na musical event na siguradong magpapangiti, magpapakanta, at magpapaiyak sa inyo... sa katatawa—ang kauna-unahang Hatid Saya ng Love Radio Manila!
Makakasama natin diyan ang 6CycleMind at Gracenote, pati na rin sina dwta at Shierrah Sumacot na magbibigay ng gravecious to the maximum levelacious na performances na swak sa kahit anong mood—may pang-hugot, may pampakilig, at may pangrakrakan. Siguradong maraming throwback moments at core memories ang mabubuo sa gabing ito.
Mas magiging masaya pa dahil mismong Love Radio DJs ang mag-ho-host ng concert na ito. Asahan niyo na ang kulitan, biruan, at energy na talagang tatak Kabisyo lang.
Kaya isama na ang pamilya, barkada, jowa, o crush, at maki-Hatid Saya na kasama ang 90.7 Love Radio. Kailangan pa bang i-memorize ’yan? BASIC!

6cyclemind, Gracenote, dwta, at Shierrah Sumacot, magsasama-sama para sa kauna-unahang Hatid Saya ng Love Radio Manila
