advertisement
Sabi ni Prince Harry, “Sobrang blessed and grateful po kasi I have a lola like her na super sweet.” 
78 years old na lola, araw-araw na naghihintay ng bus para sa apo niya
Kung wala pang nagpapaiyak sa’yo today, ito na ‘yun, Kabisyo! Viral ang video ngayon ng isang lola na araw-araw daw inihahatid ang apo niya sa kanto at ipinagpapara siya ng bus!
Si 78-year-old Normita Francisco Custodio, ay kasama ang apo niyang si Prince Harry Custodio Templo tuwing umaga para siguraduhing masasakyan niya ang bus papuntang school. Minsan kasi, dumadaan lang ang bus at hindi tumitigil kapag nag-iisa si Prince Harry. Kaya naman, lola to the rescue!
