Copyright ©2026 LOVE RADIO
Angkol Dagol, nasarapan sa patikim ni Tanya Chinita?
Angkol Dagol, nasarapan sa patikim ni Tanya Chinita?
June 8, 2026

Maloloko niyo lang ang mga babae sa umpisa, pero hindi pwedeng hindi kayo mahuhuli dahil malakas ang pakiramdam nila. ’Yan ang pinatunayan ni Tanya Chinita sa harutan nila ni Angkol Dagol nang sumabak ang dalawa sa isang nakakatuwang sensory game!

Sa laro na susubok sa kanilang sense of touch, taste, smell, and hearing, nag-unahan ang dalawa sa paghula ng iba’t ibang bagay. Sa touch round pa lang, nalurkei na agad nang makapa ni Titamax ang isang maliit na bagay na bigla na lang gumalaw. Kung anu-ano ang lumabas sa bibig niya hanggang sa napansin niyang may iba-iba pala itong “modes!”

Hindi rin naging madali ang taste round. Todo-isip ang Pambansang Tita habang nilalasap kung anong malapot na likido nga ba ang natikman niya, habang ang Prayboy naman ay napaisip nang husto sa malagkit at matamis na nalasahan niya.

Pagdating sa smell round, mas lalo pang naging riot ang eksena. Mula disinfectant hanggang fabric conditioner, samu’t saring hula ang narinig habang pilit nilang inaalam kung ano talaga ang inaamoy nila.

Sa huli, may isang kinailangang humarap sa kakaibang parusa. Pero imbes na ikalungkot, parang mas ikinatuwa pa ito ng isa sa kanila, dahilan para sumabog ang tawanan sa pagtatapos ng challenge nila.

Sino nga ba ang mas matalas ang pakiramdam at ano nga ba ang punishment na ikinagulat nila? Panoorin ang full video sa aming YouTube channel!

Other Trends
Now Playing!
90.7 Love Radio Manila
Loading...