Copyright ©2026 LOVE RADIO
“Anti-Ticket Scalping Act,” inihain matapos mahirapan ang Filo ARMYs sa pagbili ng BTS concert tickets
“Anti-Ticket Scalping Act,” inihain matapos mahirapan ang Filo ARMYs sa pagbili ng BTS concert tickets
June 16, 2026

Concert ticket na, naging bato pa?! Nakakaiyak talaga!

Kasunod ng dagsa ng reklamo mula sa Filo ARMYs na hirap makakuha ng tickets para sa BTS WORLD TOUR ‘ARIRANG,’ naghain si Senator Francis “Kiko” Pangilinan ng Senate Bill No. 1989 o mas kilala bilang “Anti-Ticket Scalping Act.”

Ayon sa panukala, target nito ang mga scalper na bumibili ng napakaraming concert tickets para ibenta ulit sa sobrang taas na presyo. Dahil dito, maraming fans ang no choice kundi bumili ng overpriced tickets para lang makita nang personal ang kanilang idols.

Sa social media, marami ring netizens ang naglabas ng sama ng loob matapos umanong maubusan agad ng tickets habang may mga reseller namang nagbebenta online ng triple o mas mahal pa sa original price. Hindi ba kayo karmahin niyan?

Kapag naipasa ang naturang batas, mas magiging patas na umano ang ticket selling at mas mabibigyan ng chance ang totoong fans na makakuha ng tickets sa tamang presyo.

Other Trends
Now Playing!
90.7 Love Radio Manila
Loading...