advertisement
Bukod sa pag-aayos ng buhok, nahanap ni Arman Salon ang passion niya sa pag-arte. ’Yung tipong bigla na lang mapapasama ang mga customer niya sa eksena. Pati si Tanya Chinita, hindi nakaligtas sa mga unpredictable scene niya. Natatakot na nga raw ang Pambansang Tita kung acting pa rin ba o totohanan na. HAHAHA! Para kasing hindi siya nauubusan ng linya.
Kahit nga ang Titamax confession sender natin, nahugutan niya pa na para bang siya ang bida sa istorya. HAHAHA! Isang taon na kasing magka-live in sina Emily at Dexter. Masipag daw si Dexter at mapagbigay sa kanya, pero nanunumbat ito ’pag lasing na. Simpleng payo lang sana ang hinihingi kung iiwan o pagpapasensyahan, pero napagalitan pa. Pati ang asawa niya, damay! Aray ko!
Naniniwala kasi si Arman Salon na hindi lang dapat puso ang pinapairal. Dapat nasisiyahan ka rin daw. Dinemo pa nga niya bago ang Tough 5 questions kung ano ang gusto niya sa “bembangan.” Ayon sa kanya, mas masarap daw kapag may konting ingay at sakitan. May special request pang ungol para lalo siyang ganahan. HUUUY!

