advertisement
Sa tulong ng emergency notification mula sa kaniyang tablet, agad na naalerto si Nathan tungkol sa lindol at hindi na nagdalawang-isip na ilayo ang kaniyang nanay at kapatid mula sa posibleng panganib. Ayon sa kanyang ama, ikinuwento ng bata na nakaramdam siya ng takot, ngunit alam niya kung ano ang dapat niyang gawin sa oras na iyon.
“Mama! That’s how I protect my family,” ani ni Nathan sa kaniyang ina matapos nilang mapanood muli ang CCTV footage.
Samantala, nakatanggap si Nathan ng sandamakmak na papuri at paghanga mula sa netizens dahil sa pagiging alerto at kalmado sa gitna ng sakuna. “Alam mo na agad, may presence of mind sya,” komento ng isang netizen. Bumaha rin ng reactions at “good job” comments ang post ni Maurice, na mayroon nang humigit-kumulang 7.5 million views at 208,000 reactions.
Batang lalaki, nailikas ang pamilya niya agad dahil sa emergency earthquake notification sa tablet
“Little Big Man of the House”—ito ang bansag ng isang netizen sa 6-year-old na si Nathan Calubia dahil sa ipinamalas niyang kagitingan sa gitna ng matinding sakuna. Viral ngayon online ang CCTV footage na ibinahagi ng kaniyang ama na si Maurice, kung saan makikitang agad na tumakbo si Nathan upang gisingin ang kaniyang nanay at kapatid na kapwa nakahiga sa kuwarto sa kasagsagan ng malakas na lindol na tumama sa Mindanao nitong Lunes, June 8.
Maririnig sa video ang paggising niya sa kaniyang mag-ina, “Mama! There’s an earthquake nearby. Lumabas na kayo! Dali!”
