advertisement
Tatapak lang naman sa stage ng World Trade Center Manila sa August 21 ang Grammy award-winning singer, songwriter, at producer na si Steve Lacy. Kasama niya ang bandang Two Door Cinema Club, BRIT winning trio na Flo, at singers na sina Dermot Kennedy at Matthew Ifield.
Kasama rin sa event sina Isyani Sarasvati, Kiki, at HOA!
Hindi naman magpapahuli ang galing ng mga Pinoy dahil magpapasikat din sa festival ang mga bandang Ben&Ben, Over October, Dilaw, at fitterkarma. Nando’n din ang fastest-rising star ng OPM na si MAKI.
Available na ang tickets sa June 13 sa SM ticket outlets nationwide at puwede ring makakuha sa SM ticket website.
Siguradong busog at walang tapon ang festival na ito, mga Kabisyo! Secure your tickets!
Ben&Ben, Fitterkarma, Maki, at iba pang kilalang performers, pangungunahan ang LALALAFEST MANILA 2026
Pasok sa banga ang listahan ng mga mag-pe-perform sa debut ng Indonesia-based music festival na LALALAFEST sa Manila, mga Kabisyo! Talagang magpapakilala ng bongga sa atin ang event na ito!
