Copyright ©2026 LOVE RADIO
BGYO, nakaranas ng technical issue habang nag-pe-perform sa Miss Universe Philippines 2026
BGYO, nakaranas ng technical issue habang nag-pe-perform sa Miss Universe Philippines 2026
May 4, 2026

Bukod sa mga naggagandahang dilag na rumampa sa stage ng Miss Universe Philippines 2026, inabangan din ng fans ang magiging performance ng BGYO. Pero, umpisa pa lang ng performance ng grupo, napataas na raw ang kilay ng mga nanonood via online stream. Nakakalurkei!!

Mas malakas pa raw ang background music kaysa sa mic. 'Yan ang chika ng mga nanood online. Say pa ng iba, hindi raw nabigyan ng justice ang magandang performance ng grupo.

advertisement

"Not their fault. [May] problema audio ng livestream," say ng isang uploader sa X.

Sobrang professional naman daw ang grupo sa kanilang performance kahit na ganito ang nangyari. Sa katunayan, hindi lang BGYO ang nagkaroon ng ganitong problema. Maging si Ralph de Leon ay nagka-isse rin sa kaniyang mic.

Nagpasalamat naman ang grupo sa opportunity na makapag-perform sa pinakamalaking pageant sa bansa.

Other Trends
Now Playing!
90.7 Love Radio Manila
Loading...