Copyright ©2026 LOVE RADIO
Billie Eilish, sinamahan si Justin Bieber sa stage ng Coachella para sa 'One Less Lonely Girl' performance
Billie Eilish, sinamahan si Justin Bieber sa stage ng Coachella para sa 'One Less Lonely Girl' performance
April 21, 2026

Kahit ilang kurot pa ang gawin namin sa'yo, Billie Eilish, talagang hindi panaginip ang naging experience mo sa Coachella ngayong taon!

Si Billie Eilish lang naman ang isa na sa pinakamaswerteng fan ngayon, Kabisyo! Sa kalagitnaan kasi ng 'One Less Lonely Girl' performance ni Justin Bieber sa Coachella Week 2, pinaakyat siya sa stage para samahan ang singer.

advertisement

Tila nanlambot pa nga sa kilig ang 'BIRDS OF A FEATHER' singer nang papalit kay JB. Pinaupo siya nito sa isang upuan at niyakap.

Matapos ito, nag-post pa si Billie sa kaniyang Instagram story at sinabing "can't stop crying." Halatang-halata na hindi siya makapaniwala sa nangyaring ito.

Alam ng fans ng dalawang singer na noon pa man, big fan na talaga ni Justin Bieber si Billie Eilish.

Marami ang napasaya nila dahil sa hindi inaasahang "dream come true" na ito.

Other Trends
Now Playing!
90.7 Love Radio Manila
Loading...