Copyright ©2026 LOVE RADIO
BINI, hinangaan dahil sa naging perfomance sa Coachella 2026
BINI, hinangaan dahil sa naging perfomance sa Coachella 2026
April 14, 2026

Dinala na ng BINI ang init ng kanilang mga kanta sa Coachella!

Talaga namang maraming Kabisyo ang nag-abang at hindi nadismaya sa kauna-unahang P-Pop group na tumapak sa stage ng Coachella.

advertisement

Nagsimula ang kanilang pasabog na performance nang kantahin nila ang 'Shagidi' habang nakasuot ng gold outfits! Kitang-kita sa disenyo ng unang damit nila ang tradional Filipino fashion, with salakot pa talaga 'yan sila!

“We are so grateful to be here to represent the Philippines on a global stage and to share with you guys our music,” say ni Aiah.

Iniregalo rin ng P-Pop girl group ang unang live performance ng kanilang bagong kanta na 'Blush' sa Coachella.

Dahil nasa disyerto, perfuk ang kantang 'Pantropiko' para tapusin ang kanilang mahigit na isang oras na set.

Sa inilabas na reel ng Coachella, isa ang BINI sa may pinakamataas na views, 11 milion lang naman, mga Kabisyo!

Matapos ang kanilang nakaka-proud na performance, inansuyo ng grupo ang kanilang 'Signals' world tour na magsisimula sa SM Moa Arena sa June 20.

Other Trends
Now Playing!
90.7 Love Radio Manila
Loading...