advertisement
Hindi basta simpleng gathering ang naganap dahil punong-puno ng activities ang venue—mula sa games, photobooths, merch stations, hanggang sa interactive booths na swak na swak sa kilalang “anik-anik girlie” vibe ni Maloi.Bukod sa bonding ng fans, hindi rin nagpahuli ang performances na lalong nagpasaya sa crowd. Kabilang sa mga nagtanghal ang Whirlpool Street, planetana, Noah Alejandre, dwta, JAO, Frank Ely, at Sugarcane, habang pinainit naman ng dance groups na ILLEAH PH at TWAIN PH ang atmosphere sa kanilang energetic performances. Isa rin sa pinakainabangang bahagi ng event ang pag-perform ng The Itchyworms, lalo na nang kantahin nila ang “Di Na Muli,” na isa sa mga paboritong kanta ni Maloi. Bagama’t hindi personal na nakadalo si Maloi dahil sa naunang commitments kasama ang BINI, nakisaya pa rin siya sa celebration sa pamamagitan ng phone call kung saan nagpasalamat siya sa kanyang supporters at sinabing umaasa siyang makadalo sa susunod na taon. Nagbigay rin ng mensahe ng pasasalamat ang ina ng singer sa fans na walang sawang sumusuporta sa kanyang anak. Patunay lang na pagdating sa birthday ni Maloi, hindi nagpapahuli ang “Luckies” sa effort, pagmamahal, at sorpresa!

