Copyright ©2026 LOVE RADIO
Boss Toyo, nakipaglandian kay Tanya Chinita sa harap ng asawa?!
Boss Toyo, nakipaglandian kay Tanya Chinita sa harap ng asawa?!
March 2, 2026

Due to insistent public demand (ansaveh?!), bumisita na si Tanya Chinita sa Pinoy Pawnstars ni Boss Toyo dala ang matagal niyo nang pinagkakainteresan—ang suot niyang white corset sa isang viral video.

Handa na itong ipaubaya ni TitamaX sa mas nangangailangan dahil sampung taon na rin daw niya itong pag-aari. Kahit worn out at medyo naninilaw na, walang kaarte-arte itong inamoy ni Boss Toyo at sinabing may kaasiman na. Ayos lang ’yan. Masarap pa rin naman ang sinigang. ’Chos!



Pati nga ang smell expert na si Prof. Rudy o “The Ilongman” ay hindi nakatiis at napayakap na lang sa Pambansang Tita bago suriin ang controversial corset. Kesa mapunta pa sa iba, binili na ito ni Boss Toyo sa halagang Php 4,300 na ihihilera raw niya sa panty section kung nasaan ang items ng mga sexy star na sina Eva Elfie, Angeli Khang, Robb Guinto, Diane Zubiri, at iba pa.

Bilang selebrasyon ng napagkasunduan, binuhat ni Boss Toyo si Tanya Chinita. Agad namang nilinaw ni Boss Toyo na bonding lang daw nila itong matatanda. Pareho kasi silang batang ’80s. Halata naman sa hingal niya, ’di ba? Paano ba naman, cocomelon pa lang ni Tita, mabigat na! HAHAHA! Panoorin ang harutan nila sa aming YouTube channel!

Other Trends
Now Playing!
90.7 Love Radio Manila
Loading...