Sabi nga, “Time flies when you’re having fun.” Tingnan niyo, hindi natin namalayang isang taon na pala ang Hangover!
Maliban sa pasabog nilang performances, pinabilib din tayo ng seasoned at rising OPM artists sa pagsagot sa mga maaanghang na katanungang ibinato sa kanila.
Pwes, may ititindi pa ang selebrasyon dahil “more music, less talk” ang atake natin ngayon. Bilang patunay, hindi lang isa, dalawa, kundi tatlo sa mga most requested artist niyo ang makakaharap ni DJ Shai!
Ang payo namin sa inyo, Kabisyo, magbaon kayo ng maraming energy dahil alas diyes pa lang ng umaga ay gigisingin na ni Bugoy Drilon ang mga aantok-antok niyo pang diwa!
Mawawala ba naman ngayong Intetnational Women’s Month ang This Generation’s Pop Princess? S’yempre, hindi! Mapapanood natin ang girl power ni Zephanie ng ala-1:45 ng hapon.
Tatapusin naman ng bandang Route XYZ ang espesyal na araw natin sa rakrakan bandang alas singko ng hapon.
Siguradong hindi kayo mabibitin sa saya dahil buong araw tayong mag-iingay sa special anniversary episode natin. Sugod na sa Hangover Facebook page sa Thursday, March 26! Malay niyo, hindi lang pala ’yan ang surpresang naghihintay sa inyo! Oops!

Bugoy Drilon, Zephanie, at Route XYZ, ilan sa mga dapat abangan sa 1st anniversary ng Hangover
