Copyright ©2026 LOVE RADIO
Chito Miranda, tinawag na "weird and annoying" si Yael Yuzon
Chito Miranda, tinawag na "weird and annoying" si Yael Yuzon
January 20, 2026

Over naman sa pagpapakatotoo ang frontman ng Parokya ni Edgar na si Chito Miranda sa pag-de-describe sa ugali ng Spongecola vocalist na si Yael Yuzon.

Talaga namang napansin daw ito ni Chito nang magkasama ang kanilang mga banda sa isang concert sa SM Seaside Concert Ground sa Cebu.

advertisement

Idinaan ng OPM icon sa isang post ang kaniyang mensahe para kay Yael. Chika niya, "Salamat din kay [Yael] ng Sponge. Palagi ko silang inaasar, pero sa totoo, isa si [Yael] sa mga [pinakakaibigan] ko sa eksena. He's weird at annoying (gano'n din naman yata ako, eh) pero sobrang bait [niya.]

Kinuwento rin ni Chito na inihatid siya ng bokalista sa kanilang bahay nang minsan siyang malasing sa kanilang inuman.

Nagpasalamat din si Chito sa lahat ng nakiisa sa isang "masayang tugtugan" na nangyari sa Cebu.

Ano? Akala niyo na naman issue, 'no? Kayo talaga, Kabisyo, magbago na kayo! HAHAHA!

Other Trends
Now Playing!
90.7 Love Radio Manila
Loading...