Unang banat pa nga lang, aliw na aliw na si Titamax nang i-share ng dentist/content creator na tatlong beses siyang bumagsak sa board exam, kaya naman dumaan siya sa trauma, iyakan, at self-doubt to the max! Pinuri naman ni Tita Tanya ang pagiging matapang niya online. From LGBTQIA+ issues to religion, wala raw siyang takot magsalita as long as may basbas muna ni Hubby bago mag-post!
Kulang na lang, mapapikit si Tanya Chinita sa inggit sa love story nina Doc Mayki at PJ! Hindi naging hadlang ang 15-year age gap nila para mag-first move si Doc. Imbes na ligawan stage, agawan stage ang nangyari dahil may jowa raw si PJ noon! In the end, si Doc naman ang pinili. GANDA ’YERN?!
advertisement
Hindi na naitago ng Pambansang Tita ang pagkaloka, kaya sinagad niya na ang chismisan nang basahin ang tanong ng Titamax Confession sender na humihingi ng advice tungkol sa kapatid niyang umutang ng pera sa kanya para sa pamangkin niya. Ang plot twist, sa motor pala ng kabit ng ate niya nakalaan ang panggastos. Naguguluhan tuloy si Abigail kung i-cu-cut-off na niya ito at isusumbong sa bayaw niya!Mas bet daw ni Doc kung kakausapin na lang niya ang ate niya at aasikasuhin na lang ang sariling buhay. Dagdag pa ni Tita Tanya, hindi raw siya mang-cu cut-off ng kapatid lalo na kung pera lang ang dahilan. Sheesh! Pautang naman d’yan!
Tuluyan nang naloka si Tanya Chinita nang i-reveal ni Doc Mayki na virgin pa siya dahil bilang isang biological male, wala pa siyang experience sa babae. Napagkasunduan nila ni Titamax na pwede siyang tawaging “Virgin Mayki.” Ang sikip! Oh, siya! Ituloy niyo na ang detalyadong HOT and SPICY chismisan kung saan pati si Alvin Aragon, hindi nakaiwas:

