Copyright ©2026 LOVE RADIO
Gigi De Lana, nagpapagaling matapos mag-collapse matapos mag-perform
Gigi De Lana, nagpapagaling matapos mag-collapse matapos mag-perform
March 10, 2026

Malakas na kabog ng dibdib ang naranasan ng fans ni Gigi De Lana sa kaniyang naging performance sa Samal, Davao del Norte. Matapos kasi ang kaniyang pagkanta, biglang bumagsak ang singer bago pa man makababa ng stage.

Sa post ng isang audience, makikita si Gigi na nanghihina sa gilid habang inaalalayan ng production staff. Isinakay siya sa ambulansya at dinala sa ospital.

@fmjcl_28 I hope she'll be fine 🥺🥺🥺 Na confined siya for 3 days, but gi discharge siya kay naa siyay concert sa Samal Island. Ing'ana siya ka professional instead na i cancel kay unahon niya ang iyang health, pero gisipot jud niya ang Samal. 🥺 We love you Gi, we are happy to see you here inSamal.♥️#gigidelana #concert ♬ original sound - @fiayamae_28 on IG🇵🇭
advertisement

Noong March 8, kinumpirma ng kaniyang management ang nangyari kay Gigi. Sinabi rin nilang okay na siya at nagpapagaling sa ospital. “After her performance last night in Samal Island City, Davao Del Norte, Gigi experienced extreme fatigue and briefly passed out after her final song. She was given immediate attention and care, and we’re grateful to share that she is now safe, stable, and currently resting,” say ng management.

Matatandaang May 2023, nasangkot si Gigi sa isang car accident ilang oras bago ang kaniyang show sa Ilocos Norte. Dahil dito, sobra umano siyang nahilo, pero hindi naman umabot sa puntong hinimatay siya.

Other Trends
Now Playing!
90.7 Love Radio Manila
Loading...