Copyright ©2026 LOVE RADIO
Graduation awards announcement, nauwi sa isang nakakatuwa at nakakaantig na prank!
Graduation awards announcement, nauwi sa isang nakakatuwa at nakakaantig na prank!
June 20, 2026

"Latin.." "Latino?!" "Laude.." "Small Laude?!" Ilan lang ito sa mga birong awards na lumabas sa screen nang i-prank ni Edgar Jr. Barugo ang kanyang pamilya, para sa announcement ng kanyang achievements, isang araw bago ang kanyang graduation.

Halu-halong emosyon ang naramdaman ng kanyang pamilya habang pinapanood ang isang video presentation. Makikita sa reaction video na inupload ni Mayeeng Descutido Barugo na sabik na sabik na silang lahat malaman kung ano ang matatanggap na parangal ni Edgar. Ngunit lumabas ang mga katagang “Latin? Latino :D” at “Cum L, Cum Laundry” na lalo pang nagpa-intense at nagpasaya sa kanyang pamilya habang pinapanood ito.

advertisement

Pero sa huli, nang lumabas na ang “Magna Cum Laude,” na kanyang tunay na award, agad na napatalon, napapalakpak, at napaiyak ang kanyang pamilya na sobrang proud sa nakamit ni Edgar.

Si Edgar ay nakapagtapos nitong June 15 sa kursong Bachelor of Science (BS) in Business Administration Major in Marketing Management sa Bacolod City College.

Congratulations Edgar sa iyong well-deserved Magna Cum Laude honors at successful prank!

Other Trends
Now Playing!
90.7 Love Radio Manila
Loading...