advertisement
Sundan ang kuwento ni Dana rito sa Raqi's SPG Secret Files with Titan Gelo.
Habang nasa likod ko siya, napaungol na lang ako - Raqi's SPG Secret Files with Titan Gelo
Hi, DJ Raqi and DJ Gelo! Itago niyo po ako sa pangalang "Dana" at ito ang aking SPG Secret File. Gusto ko lang ikuwento itong karanasan ko. Isa 'ko sa mga nakaranas ng bagyo. Bilang paghahanda, bago pa dumating ang bagyo, nag-decide akong mag-grocery. Pumili ako ng mga canned goods, ilang bote ng mga mineral water, mga kandila, at iba pang essentials kaso gabi na ako natapos. Ang masaklap pa riyan ay na-low batt ang cellphone ko kaya hindi ako makapagpabook ng sasakyan sa online app so, no choice ako.
Naglakad ako papuntang terminal ng sasakyan, dala ang mabigat na eco bag ko. Nakasakay naman ako ng mga jeep pauwi, pero hindi nga lang door to door kaya kinailangan kong bumaba sa entrance ng subdivision namin at napakalayo. Akala ko naman, may tricycle na naghihintay sa may bandang sakayan, kaso wala kaya mas lalong nakaka-stress. Napaisip tuloy ako bigla, baka wala na talagang biyahe kasi malapit na yatang mag-landfall 'yung bagyo. So, wala talaga akong choice kun'di maglakad na lang ako pauwi galing sa labas ng subdivision namin, pero ito ang twist, mayroon akong kinakatakutan.
