advertisement
Ang t*nga-t*nga ko raw. Mahal daw ‘yung sinira kong damit at kulang pa raw ang halaga ng buhay ko sa kapalit ng halaga ng damit niyang nasira. Dahil doon, ikinulong niya ako sa bahay ng alaga niyang aso. Hindi ako makapalag dahil may hawak siyang kutsilyo at baka magtangka siyang saksakin ako.
Sundan ang kuwento ni Nika rito sa Raqi’s Secret Files with Titan Gelo.

Ikinulong ako ng amo ko sa kulungan ng kaniyang aso - Raqi’s Secret Files with Titan Gelo
Dear Raqi Terra at Titan Gelo,
Itago niyo ako sa pangalang “Nika” at ito po ang aking Secret File. Hindi madali ang pinagdadaanan ko. Akala ko nga mamatay na ako. Nakalungkot lang isipin na naghahanap buhay lang naman ako. Isa akong kasambahay mula pa noon, at isang beses, nagkamali ako at nasira ko ‘yung damit ng amo ko.
