advertisement
Hanggang sa nagsalita siya. Sabi niya, “Magagalit kaya yung ancestors natin, Bree, ‘pag sinabi kong gusto kita? I'm sorry ancestor, pero I like Bree.” Wala akong nasagot doon, but my heart was so happy. Alam kong mali dahil may pamilya niya siya, pero everything felt so right that time.
Sundan ang kuwento ni Bree rito sa Raqi’s Secret Files with Titan Gelo.

Iniwan daw ni Boss ang pamilya niya para sa akin - Raqi’s Secret Files with Titan Gelo
Dear Raqi Terra at Titan Gelo,
Itago niyo ako sa pangalang “Bree” at ito po ang aking Secret File. Malayong kamag-anak ko ang boss ko. Isang araw, nag-travel kami for an event. He had a few drinks doon sa party kaya habang naglalakad kami pabalik sa hotel namin, bigla na lang siyang humiga sa white sand. Sabi niya, “Bree, halika rito, Ang ganda ng langit, oh. Ang daming stars. Mag-stargazing tayo.” And without hesitation humiga ako sa tabi niya. I was silent the entire time.
