advertisement
Isang araw, nagulat na lang kaming magkapatid na may ginawa si Nanay na isang bagay na hindi namin inakalang magagawa niya.
Sundan ang kuwento ni Binggoy rito sa Raqi’s Secret Files with Titan Gelo.

Isang araw, biglang ayaw na lang niya - Raqi’s Secret Files with Titan Gelo
Dear Raqi Terra at Titan Gelo,
Itago niyo ako sa pangalang “Binggoy” at ito po ang aking Secret File. Tungkol po ito sa nanay ko. Kilala ko po si Nanay bilang isang masipag, matiisin, at palabang tao. Lahat ng hamon sa buhay ay hinaharap niya nang buong tapang. Lahat po ng problema ay nahahanapan niya ng solusyon, nagagawan niya ng paraan, at nadadaan niya sa panalangin.
