Copyright ©2026 LOVE RADIO
Isang graduating student, viral dahil sa pangbuntis na pose sa graduation photoshoot
Isang graduating student, viral dahil sa pangbuntis na pose sa graduation photoshoot
April 24, 2026

Imbes na graduation diploma, parang ultrasound yata ang makukuha niya! Viral ngayon sa mga Kabisyo natin online ang behind-the-scenes ng pictorial ni Danica Pascua, isang Criminology student, matapos siyang “sitahin” ng kaniyang photographer. Habang nakahawak sa belt at nakatagilid ang ulo, biglang hirit ng photographer, “Huwag ganiyan, pangbuntis ‘yan!”

advertisement

Paliwanag ni Danica, habit na niya ang pag-tilt ng ulo at paghawak sa may bandang tiyan kaya hindi niya namalayan na ang dapat sana ay fierce na graduation portrait, naging pang-maternity shoot ang datingan. Nakakalurkei! Kulang na lang, eh, mag-gender reveal na rin siya doon!

Other Trends
Now Playing!
90.7 Love Radio Manila
Loading...