Sa panahon ngayon, mas mataas pa yata ’yung tiyansa na mapaaway tayo sa labas kesa maranasan ’yang lintik na organic encounter na ’yan. Charot with harot!
Danas ’yan ng TikTok user na si Jah 🍃 matapos magdala ng feel good vibes ang video niya sa mga Kabisyo. Mapapanood kasi ang salubungan nila ng isang baka habang umaakyat ng bundok. Imbes na kabahan, magalang niya pa itong binati ng “good morning.” Na para bang kapwa hiker na nakasabay sa trail?! HAHAHA!
@janineps25 Hindi ito yung gusto kong organic encounter 😭😭😭😭 #mttugew #Hiking #fyp @izraine ♬ som original - KS SHEIK
Pero tila hindi maganda ang gising ng baka no’ng araw na ’yon! Bigla ba naman siyang binangga nito at saka nagpatuloy sa paglalakad. Natawa na lang sa pagkabila sa nangyari ang uploader. Atichona ’yan siya!
Kaya naman, lesson learned: kung hihiling lang din tayo ng organic encounter, siguraduhin niyong malinaw—tao dapat! Hindi baka. Pambihira!

