Hindi lang pala sina Angkol Dagol at Diego Bandido ang babatiin namin ng “Happy Father’s Day” dahil sa Father’s Day special na inihanda namin, may isang hindi inaasahang mabubuking!
Nagsimula ang paborito niyong mga Kabisyo sa pag-sha-share ng kwento tungkol sa relasyon nila sa kani-kanilang mga ama. Daig pa ang may naghihiwa ng sibuyas dahil siguradong mangingilid ang luha mo sa mga sinabi nila.
Pero s’yempre, hindi sila nakaligtas sa kalokohan namin! Papayag ba naman tayong seryoso lang? Matapos namin silang paiyakin, pinatawa naman namin sila sa pamamagitan ng isang prank na hindi na namin ikukuwento kasi mas masaya kung mapapanood niyo mismo!
Kayo na ang humusga kung successful ba o prank gone wrong ang nangyari rito dahil may isang Love Radio DJ na nagpapakilalang single… pero mukhang may asawa’t anak naman pala!
Sino kaya kina Conyo Bicolano, Kim Chino, at Titan Gelo ang may tinatagong sikreto? Panoorin ang full video sa aming YouTube channel!

