advertisement
Sabi pa ni Jay R, "Kean [Cipriano,] sorry I’m talking about it. [It’s] for the benefit of all artists naman. I’m not trying to taint his image naman. But it’s not fair to us. We’re the ones on stage, pero parang mas kumikita pa ‘yung mga manager.”
Nagsimula ang lahat ng ito no’ng nadawit sa “blind item” ang O/C Records na pagmamay-ari ni Kean Cipriano. Sinabayan pa ito ng long message ni MRLD tungkol sa pag-alis niya sa O/C Records. Sabi niya, “I deserve more than 5% of the songs I wrote and produced. I went independent because my family needs to eat and live.”
Sa kasalukuyan, wala pang statement si Kean Cipriano tungkol sa mga issue na ito.
Jay R, nag-sorry kay Kean Cipriano dahil sa pagkuwento niya ng naranasan niyang ‘unfair payment'
Usap-usapan ngayon online ang issue ng "pambabarat" sa bayad sa OPM artists. Akala ng marami nating Kabisyo, sa mga baguhang artista lang ito nangyayari, pero nakakalurkei ang rebelasyon ni Jay R dahil siya pala mismo ay nakaranas din ng ganito!
Kuwento niya sa isang interview, may mga pagkakataon daw na ang usapan na bayad ay Php 100,000, pero ang sasabihin ng ibang mga manager sa kanilang artist ay Php 10,000 lang daw ang budget. Kasabay nito, kakaltasan pa iyon ng 30% para sa management.
