Copyright ©2026 LOVE RADIO
Johnoy Danao at Jan Roberts, may bagong single na 'Kung Masusunod'
Johnoy Danao at Jan Roberts, may bagong single na 'Kung Masusunod'
April 28, 2026

Ito na ba ang patunay na hindi lahat ng "J" ay mapanakit? Kasi kung oo, TYL!

Nagsama lang naman para sa isang napakagandang kanta na 'Kung Masusunod' sina Jan Roberts at Johnoy Danao, mga Kabisyo!

advertisement

Noong April 24, ipinarinig ng dalawa ang single na ito. Para raw ito sa mga nagmamahal na nakakaramdam ng bigat dahil hindi nila maibigay ang lahat sa kanilang mga partner. Relate ba kayo?

“I wish I had the ability to make you feel that being with me wouldn’t make life or anything else difficult for you,” chika ng batang singer.

Comfort at warm daw ang atake nilang dalawa sa kanta, kaya kahit mabigat ang lyrics, may kalma naman itong dala. Say niya pa, isang dream come true ang collab na ito.

Para naman sa legend singer, madali raw siyang napa-oo ni Jan sa kantang ito dahil sa mensahe at alam niyang kayang-kaya niyang bigyan ng justice ang kanta. S'yempre naman, Johnoy Danao na 'yan, eh!

Kung hindi niyo pa napakikinggan, available na sa YouTube channel ni Jan Roberts ang music video ng kanta.

Other Trends
Now Playing!
90.7 Love Radio Manila
Loading...