May ilang nagsasabing “too safe” daw ang boses ng LILY frontman na si Joshua Bulot. Siya raw ang humahadlang sa pag-evolve ng banda. Over naman sa sisihan?! Kaya naman, sa nakaraan nilang interview sa Hangover, nilinaw ni Joshua na mali ang ganitong pananaw at ipinaliwanag ang side niya.
“Actually, mas gusto ko nga ng challenge sa mga song, eh,” sabi ni Joshua. “Kaya almost lahat ng key ng band before, tinataas ko talaga kasi it's not my key talaga. Galing ako sa Pop R&B before at ’pag magsusulat din ako ng kanta, vocally challenging din kahit papaano. Sometimes nga, may mga nagsasabi na, ‘Ang hirap naman kantahin niyan! Ang taas!’ Pero kailangan ko muna i-feed ’yung gusto kong mangyari sa music bago kayo. Enjoy-in niyo na lang.”
Para sa kanya, parte ng proseso ng paggawa ng musika ang i-challenge ang sarili, at hindi niya ito ginagawa para lang sa sarili kundi para mas maramdaman ng fans ang evolution ng banda. Sa halip na “too safe,” purposeful ang bawat nota at taas ng boses niya—isang paraan para mas ma-enjoy at maramdaman ng lahat ang LILY sa bagong level.
Ngayon, alam niyo na? Baka mamaya, ang susunod naming marinig na reklamo sa inyo ay nag-iiba na ang tunog nila! Hindi na namin alam kung saan lulugar niyan! Charot with harot! Panoorin ang full interview nila sa YouTube channel ng Hangover!

Joshua Bulot, pinalagan ang nagsabing “too safe” ang boses niya para sa LILY
