Copyright ©2026 LOVE RADIO
Kadyot Pinong, graduate na raw sa pagiging babaero | TitamaX Episode 27
Kadyot Pinong, graduate na raw sa pagiging babaero | TitamaX Episode 27
March 12, 2026

Kung may mas sikat daw kesa kay Tanya Chinita, ito ay si Kadyot Pinong. Isang bitaw niya lang kasi ng “kadyot lang, kadyot lang, kadyot lang,” tiyak na makikilala na siya ng mga tao. Pero ganoon ba talaga, ’pag taga-Love Radio, babero? Hello, Angkol Dagol. HUUUY!

For the first time in TitamaX history, may kasamang misis ang special guest natin! Namumuo tuloy ang pawis ni Kadyot Pinong kahit malakas naman ang aircon sa studio. HAHAHA! Nagkakilala raw ang dalawa nang tumawag si Ate Lita para mag-request ng kanta sa Love Radio kung saan si Kadyot Pinong naman ang nakasagot. Reporter pa nga raw ang pakilala nito.

Paganyan-ganyan lang si Kadyot Pinong, pero hindi pa man nauuso ang salitang “budol,” gawain niya na ito. ’Chos! Nahuli pa nga raw siya noon ng misis niya na may kaharutan sa cellphone at tricycle. Nagbago naman na raw si Kadyot Pinong mula noong mas napalapit sila sa Panginoon. Sige, sabi niya ’yon, eh. EME!

Makikita kung bakit patuloy na tumitibay ang samahan ng mag-asawa nang payuhan nila ang TitamaX confession sender natin. Tatlong taon nang byudo ang live-in partner ni Gie, pero hindi pa rin daw nito magawang alisin ang mga damit ng namayapang misis. Hindi niya raw tuloy maiwasang magselos at mapaisip na baka kaya siya minahal ay dahil kahawig niya ang una nitong asawa.

Pati sex life nina Kadyot Pinong at Ate Lita, hindi nakaligtas sa Tough 5 questions ni Tanya Chinita. Ang hirap talaga ’pag tagtuyot, ’no? Sa bembangan na lang ng iba kinikilig. HAHAHA! Sus! Si TitamaX pa ba mababakante?

advertisement

Other Trends
Now Playing!
90.7 Love Radio Manila
Loading...