Copyright ©2026 LOVE RADIO
Kim Molina at Jerald Napoles, ikinasal na
Kim Molina at Jerald Napoles, ikinasal na
March 3, 2026

Ito na yata ang 'Kimerald' na hindi natinag ng kahit anong pagsubok! HAHAHA!

Matapos ang ilang nakakatawa at nakatutuwang preparations nina Kim Molina at Jerald Napoles, ikinasal na ang dalawa sa isang intimate wedding ceremony.

advertisement

Ginanap ang kanilang pag-iisang dibdib noong March 1 sa isang resort sa Bohol. Present sa celebration ang pamilya at mga kaibigan ng couple.

Suot ni Kim ang isang strapless wedding gown na gawa ni Mak Tumang habang puting Tuxedo naman ni Maureen Reeca Cruz ang suot ni Jerald.

Ibinida rin ni Kim sa kaniyang Instagram ang mga ganap noong araw na 'yun at may caption na "A dream walk to remember."

August 2024 nang mag-propose si Jerald kay Kim sa PETA Theater.

Other Trends
Now Playing!
90.7 Love Radio Manila
Loading...