advertisement
Pakinggan ang buong kuwento at kung ano ang masasabi nina Nicole Hyala at Diego Bandido:

Kumikinang na Tambalan: Buklod o Bukod?
May mga barkada talagang akala mo habang-buhay nang magkakasama, na parang walang makakapaghiwalay sa kanila. Pero habang tumatagal, nagkakaroon na ng kanya-kanyang buhay, trabaho, responsibilidad, at sariling mundong kailangang harapin. Sa gitna ng lahat ng ’yon, unti-unti ring lumalabas ang mga hindi pagkakaintindihan na dati namang naaayos lang sa simpleng usapan.
Tulad na lang ng kuwento ng isang Tambalanista tungkol sa kaibigan niyang nag-asawa ng Kristiyano. Imbes na maging bukas sa usapan at unawaan, nauwi ito sa tampuhan, pagkakainitan, at tuluyang pagkasira ng samahan nila.
