Isang mister ang sumulat sa Kumikinang na Tambalan dahil anim na taon na siyang nangangarap na magkaanak.
Bago pa man ikasal, nalaman ni Adrian ang kondisyon niya na nakaapekto sa kagustuhan niyang bumuo ng pamilya. Dumaan silang mag-asawa sa iba’t ibang proseso na nagbigay sa kanila ng pag-asa, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ito natutupad.
Habang handa siyang ituloy ang laban, ramdam niya ang pagdadalawang-isip ng misis dahil sa personal at pinansyal na problema.
Pakinggan ang buong kuwento at kung ano ang masasabi nina Nicole Hyala at Diego Bandido:

Kumikinang na Tambalan: Ipaubaya sa Maykapal
