Isang misis ang dumulog sa Kumikinang na Tambalan dala ang bigat ng pagiging ina sa tatlong anak at pagiging breadwinner sa kanilang buhay sa Canada.
Sa kabila ng dalawang trabaho, siya pa rin ang umaako sa halos lahat ng gawain sa bahay, habang may mga ugali ang kanyang asawa na matagal na niyang pinapalampas at pilit inuunawa para lamang mapanatili ang kanilang pagsasama.
Ngunit ngayon, sa gitna ng matinding pagod, mga pagbabagong nararamdaman sa sarili, at mga tanong mula mismo sa kanyang mga anak, unti-unti na siyang napapaisip kung hanggang saan pa siya kakapit.
Pakinggan ang buong kuwento at kung ano ang masasabi nina Nicole Hyala at Diego Bandido:

Kumikinang na Tambalan: Live with no regrets
