Isang babae ang sumulat sa Kumikinang na Tambalan dala ang isang pagmamahal na labinlimang taon na niyang sinusubukang bitawan, pero ayaw pa ring kumawala.
High school pa lang sila nang makilala ni Gem si Jun. Nahulog agad ang loob niya hindi lang dahil guwapo si Jun, kundi dahil mabait at matalino rin. Naging sila, pero nauwi rin sa hiwalayan nang magkalayo at maramdaman nilang hindi pa matibay ang pundasyon ng kanilang relasyon.
Sinubukan naman ni Gem na magmahal ulit. Nakipagrelasyon siya sa iba, pero wala raw siyang nararamdaman. Kalaunan, nagpakasal siya at nagkaroon ng dalawang anak, pero aminado siyang hindi niya mahal ang asawa niya.
Pakinggan ang buong kuwento at kung ano ang naging payo nina Nicole Hyala at Diego Bandido:

Kumikinang na Tambalan: Living in the past
