Copyright ©2026 LOVE RADIO
Kumikinang na Tambalan: Mommy vs. Love life
Kumikinang na Tambalan: Mommy vs. Love life
April 10, 2026

Isang ina ang nagreklamo sa Kumikinang na Tambalan tungkol sa girlfriend ng nag-iisa niyang anak.

Ayon kay Nita, pinaghirapan nilang mapagtapos ng abogasya ang anak, kaya gusto nila ng magandang kinabukasan para rito. Pero hindi sila boto sa nobya nito—isang online seller na umano’y may mga reklamo at walang malinaw na pangmatagalang plano, pero nagmamadali nang magpakasal.

Ikinabahala rin niya na ang anak na lang nila ang laging gumagastos sa relasyon, at tila malakas ang impluwensya ng girlfriend dito. Dagdag pa niya, hindi rin umano maayos ang pakikitungo ng dalaga sa kanila bilang magulang. Nang subukan niyang kausapin ang anak tungkol dito, nagalit pa raw ito sa kanya.

Pakinggan ang buong kuwento at kung ano ang masasabi nina Nicole Hyala at Diego Bandido:

Other Trends
Now Playing!
90.7 Love Radio Manila
Loading...