Copyright ©2026 LOVE RADIO
Kumikinang na Tambalan: New Perspectives
Kumikinang na Tambalan: New Perspectives
March 1, 2026

Isang bride-to-be ang nagsumbong sa Kumikinang na Tambalan dahil sa stress na dulot ng paghahanda sa kanyang kasal. Matagal na silang magkarelasyon ng fiancé niya at pareho silang panganay, kaya naantala ang pagpapakasal dahil inuna muna nilang tulungan ang kani-kanilang pamilya. Ngayon na handa na silang magsimula ng sariling buhay, nagdesisyon silang magpakasal nang simple lang dahil wala silang malaking ipon.

Para kayanin ang gastos, pinili nilang maiksi lang ang guest list—puro pamilya at closest friends, at humingi ng ambag na sapat lang para sa venue at pagkain. Parang treat lang din sa isang maayos na kainan. Akala nila, maiintindihan ito ng mga taong malalapit sa kanila, pero kabaliktaran ang nangyari. May mga nagreklamo at nagsabing parang pinagkakakitaan daw ang kasal, at may iba pang tumangging dumalo. Mas masakit pa, nalaman nilang pinag-uusapan at pinagtatawanan sila sa mga group chat ng mismong mga taong inaasahan nilang susuporta sa kanila.

Ngayon, nagdududa tuloy siya kung mali ba ang naging paraan nila para lang maiwasan ang utang at makapagsimula ng married life nang maayos, habang umaasang mas mananaig sana ang pag-unawa kaysa panghuhusga.

Pakinggan ang buong kuwento at kung ano ang naging payo nina Nicole Hyala at Diego Bandido:

Other Trends
Now Playing!
90.7 Love Radio Manila
Loading...