Isang nanay ang dumaing sa Kumikinang na Tambalan tungkol sa hirap ng pagiging full-time mom at kung paano niya isinantabi ang pangarap niyang maging pulis para alagaan ang pamilya. Board passer si M ng Criminology noong 2020, pero hindi agad nakapag-apply sa PNP dahil sa kakulangan sa pera. Mas naging mahirap ang sitwasyon no’ng nabuntis siya at kinailangang harapin ang bagong buhay kasama ang unang karelasyong hindi rin nagtagal.
Dumating naman ang bagong pag-ibig na tunay na minahal siya at ang anak niya. Ngayon, may isa na rin silang anak, dalawang taon na silang nagsasama, at magpapakasal na ngayong taon. Ang problema niya ngayon, hindi sinusustentuhan ng ex ang anak niya, kaya nagdadalawang-isip siya kung magsasampa ng kaso o ipagkakatiwala na lang sa karma. Nagtatanong rin siya kung tama ba na unahin muna ang pamilya kesa abutin ang pangarap na maging pulis.
Pakinggan ang buong kuwento at kung ano ang masasabi nina Nicole Hyala at Diego Bandido:

Kumikinang na Tambalan: Pangarap at Responsibilidad
