Isang kapatid ang nagpatulong sa Kumikinang na Tambalan dahil sa matinding pag-aalala niya sa ate niyang sobrang bait at laging inuuna ang ibang tao kaysa sa sarili.
Kapag umuuwi raw ang ate ni Marie mula Maynila, agad siyang nilalapitan ng mga kapitbahay para magpalibre o mangutang, mga bagay na hindi niya matanggihan.
Masakit para sa kanya na makitang unti-unting nauubos ang ate niya. Hindi lang sa pera, kundi pati sa respeto ng mga taong nasanay na lagi siyang nagbibigay.
Pakinggan ang buong kuwento at kung ano ang masasabi nina Nicole Hyala at Diego Bandido:

Kumikinang na Tambalan: People Pleaser
