Copyright ©2026 LOVE RADIO
Kumikinang na Tambalan: Please prepare the exact amount!
Kumikinang na Tambalan: Please prepare the exact amount!
March 15, 2026

Isang online shopper ang nagkwento sa Kumikinang na Tambalan tungkol sa delivery guy na palagi niyang nakakasalamuha.

Dahil busy siya sa trabaho, mas madali sa kanya ang mag-order online, at nakasanayan na rin niyang bigyan ng tip ang lalaki bilang pasasalamat sa pagiging masipag at magalang nito. Para sa kanya, maliit lang ’yon. Kadalasang sukli lang o konting dagdag sa bayad na simpleng paraan para maipakita ang appreciation.

Isang araw, nagulat siya nang makatanggap ng text mula sa delivery guy. Nagpapasalamat ito sa mga tip niya. Malaki raw ang naitulong nito sa pagkain, pamasahe, at maging sa bayarin sa eskwela habang siya’y working student. Ngayon, nakatapos na siya ng kolehiyo at may bagong trabaho na.

Pakinggan ang buong kuwento at kung ano ang masasabi nina Nicole Hyala at Diego Bandido:



Other Trends
Now Playing!
90.7 Love Radio Manila
Loading...