Isang Tamballerina ang nagkwento sa Kumikinang na Tambalan tungkol sa sakit na dulot ng nakaraan niyang relasyon.
Isang taon nang magkarelasyon si Joe at ang ex niya nang makitaan niya ito ng mga maseselang photo, video, at message sa social media. Nalimutan kasi nitong i-log out ang accounts niya nang ibenta ang computer. Sa kabila nito, pinilit pa rin ni Joe na maging normal ang pakikitungo niya sa pag-asang titino ang ex, pero siya pa ang lumabas na seloso, kaya hiniwalayan siya nito.
Matapos ang karanasang ’yon, nakilala niya ang taong matagal na niyang ipinagdarasal. Hindi siya nito itinatago at buong pagmamalaki pang ipinapakilala sa iba.
Pakinggan ang buong kuwento at kung ano ang masasabi nina Nicole Hyala at Diego Bandido:

Kumikinang na Tambalan: The first is always not the last
