Isang loyal listener mula sa UK ang nagbahagi ng kanyang kwento sa Kumkinang na Tambalan.
Bata pa lang si Vy nang malaman niyang may prolactinoma siya—isang kondisyon na nakaaapekto sa kanyang hormones at maaaring mauwi sa early menopause. Dahil dito, maaga pa lang ay ipinagdasal na niya ang magkaroon ng anak—mas nauna pa kaysa sa lovelife.
Hindi naging madali ang kanyang pinagdaanan. Tuluy-tuloy ang mahal na gamutan at palaging may takot na baka hindi matupad ang matagal na niyang pangarap. Nang napag-usapan na nila ng kanyang British boyfriend ang kasal, naging tapat siya sa posibilidad na hindi siya magkaanak. Pero sa halip na iwan siya, buong-buo siyang tinanggap ng partner niya at sinabing puwede naman silang mag-ampon. Doon muling nabuhay ang pag-asa niya.
Pakinggan ang buong kuwento at kung ano ang masasabi nina Nicole Hyala at Diego Bandido:

Kumikinang na Tambalan: What the Future Holds
