Copyright ©2026 LOVE RADIO
Lalaki mula sa Laguna, binansagang 'Bortang Barbie Collector'
Lalaki mula sa Laguna, binansagang 'Bortang Barbie Collector'
May 30, 2026

Viral ngayon sa mga Kabisyo natin online si Darwin, isang maskuladong lalaki na sa unang tingin ay talaga namang barako! Pero pag-uwi niya sa bahay, puro manika ang inaasikaso niya! Sa ngayon, nasa mahigit 600 piraso na ang Barbie dolls niya. May mga mamahaling vintage, brand new, at pati mga rare "Pinay Barbies."

Nagsimula ang lahat noong 5 years old siya at na-dengue. Binigyan siya ng paper dolls ng mga nurse para maaliw. Paglaki niya, ang tatay naman niya na nagtatrabaho sa garbage collection ang nag-uuwi sa kanya ng mga napupulot na manika. Kaya nung nagkapera na siya at nagkatrabaho, talagang binuhos niya ang sahod niya para sa childhood passion niya.

advertisement

Bagamat marami ang nagtataas ng kilay at nag-aakalang bakla siya dahil sa hobby niya, straight na lalaki si Darwin at isang proud single dad. Para sa kanya, hindi mahalaga ang usapin ng gender pagdating sa hilig ng tao.

Other Trends
Now Playing!
90.7 Love Radio Manila
Loading...