Copyright ©2026 LOVE RADIO
Libreng skincare para sa mga kababaihan, isusulong daw ni Raqi Terra?!
Libreng skincare para sa mga kababaihan, isusulong daw ni Raqi Terra?!
March 12, 2026

Hindi biro ang maging babae. Baka sa dysmenorrhea pa lang na nararamdaman buwan-buwan, hindi na kayanin ng iba riyan. Paano pa kaya ’yung panganib ng pagbubuntis at panganganak? Idagdag niyo pa ’yung gravecious to the maximum levelacious na expectations sa pamilya, sa trabaho, at kung minsan, kahit sa sarili!

Kaya nakakalungkot talaga na hanggang ngayon, may mga tao pa ring nagagawang maliitin at bastusin ang mga kababaihan. Na para bang wala silang nanay, kapatid, asawa, at anak na babae!

Tinanong namin ang female Love Radio DJs kung anong batas ang ipatutupad nila kung sakaling bigyan sila ng pagkakataon—kapalit ng lahat ng paghihirap na pinagdadaanan nila.

Tanya Chinita: Bawal siya gumastos sa relationship.

Mara Tonee: The Period Sympathy Law. Kapag may period ang babae, automatic na may government-issued chocolate, hot compress, at unlimited understanding. Kapag umabot din ng 10/10 ang sakit ng puson, pwede mag file ng PERIOD LEAVE.

Raqi Terra: Libreng skincare para magastos na lang sa ibang gawain ang pera kooo! Charot with harot.

S’yempre, kahit gaano ka-busy sa buhay, dapat fresh pa rin ayon kay Basa Princess. Hindi naman ’yan kaartehan. Self-care ang tawag d’yan!

Ngayong International Women’s Month, alalahanin natin na kung may mga bagay na dapat ipatupad, ito ay pag-unawa, respeto, at suporta. Hindi naman special treatment ang hinihingi ng mga kababaihan, kundi equal rights. Kailangan pa bang i-memorize ’yan? BASIC!



Other Trends
Now Playing!
90.7 Love Radio Manila
Loading...