Copyright ©2026 LOVE RADIO
Lola sa Cebu, nagpakain ng 20 na lechon!
Lola sa Cebu, nagpakain ng 20 na lechon!
January 16, 2026

Isang hindi malilimutang pagdiriwang ang naganap sa Argao, Cebu para sa ika-85 na kaarawan ni Lola Juling sa Brgy. Suba, Poblacion, nagmistulang bonggacious na pista ang buong barangay dahil sa tila bumabahang pagkain na inihanda para sa mga bisita at residente!

Sa viral post ni Regine Villamejor, hindi biro ang naging handog ni Lola Juling sa kanyang espesyal na araw! Umabot sa 20 na lechong baboy ang pinagsaluhan, bukod pa sa apat na karagdagang baboy na kinatay para sa kaarawan. Hindi pa roon nagtapos ang sorpresa! Naghain din sila ng isang buong lechong baka!

advertisement

Dahil sa dami ng pagkain, walang umuwing gutom at halos lahat daw ay nahirapan nang lumakad sa sobrang kabusugan. Grabehan naman si Lola Juling! Ang wish po namin ay sana mapadalhan din po kami ng lechon dito sa Maynila. Kurot lang, oh! Hahaha!

Other Trends
Now Playing!
90.7 Love Radio Manila
Loading...