Copyright ©2026 LOVE RADIO
Love Radio DJs, hindi nagpahuli sa 2016 nostalgia trend
Love Radio DJs, hindi nagpahuli sa 2016 nostalgia trend
January 19, 2026

Nakakalurkei ang bilis ng panahon, ’no? Akalain niyo ’yon, 10 years ago na pala ang 2016?!

Hindi namin mawari kung matutuwa o maiinis kami sa nagsimula ng 2016 nostalgia trend na ’yan. Ramdam na nga namin sa sakit ng likod namin kung ilang taon na kami tapos talagang ipapamukha niyo sa’ming nagkakaedad na kami. Charot with harot!



Nito ngang nakaraang linggo ay biglang nagsulputan ang throwback photos mula sa taong 2016. Nariyan ang mga selfie na may Coachella at Dog Face filter, screenshot ng black-and-white Instagram feed, makeup na tinubuan ng mukha, OOTD with matching choker, Nobody’s Better dance cover, at marami pang iba.

S’yempre, hindi magpapahuli riyan ang ilan sa paborito niyong mga Kabisyo! Iba talaga ang confidence ’pag alam mong noon pa lang, mahitsura ka na. Naks! Buhat bangko ’yarn? Hahaha!

Una na nga riyan si Conyo Bicolano na mukhang totoy man noon, matinik naman sa mga chix ngayon. MALIII! Hahaha!



Alam naman naming hinihintay niyo ang post ni Tanya Chinita na talaga namang hindi tayo binigo. Teka, saan kayo unang tumingin?



Siguradong hindi lang kami ang naka-miss sa baby girl na si Raqi Terra na ngayon ay may baby boy na! Ang tamis ng ngiti niya, ’di ba? Hindi pa kasi siya naloloko riyan. ’Chos!



Haaay! Kung pwede lang bumalik sa nakaraan at sabihin sa mga sarili nating, “Para sa 2016 na ako, d’yan ka na lang. Mahal ang bilihin dito!” Hahaha! Kumusta ang 2016 niyo, Kabisyo? I-share niyo naman sa’min ang favorite memory niyo.

Other Trends
Now Playing!
90.7 Love Radio Manila
Loading...