Sa kanyang vlog, nilinaw ng content creator na wala umanong namamagitan sa kanila at alam pa raw ng girlfriend niyang si Elma ang tungkol sa pagkakaibigan nila. Pero aminin natin, ilang beses na rin ba nating narinig ang linyang “tropa lang kami?“ Charot with harot!
Dahil diyan, napatanong kami sa paborito niyong mga Kabisyo kung anong mga “palusot“ ang narinig na nila mula sa mga taong nanloko sa kanila. Hala! Trauma dumping pala? Hahaha!
Angkol Dagol: “It’s not you... it’s me” Hahay!
Tanya Chinita: “Promise, may sakit ako no’n“ at “Sorry, nagkulang ako“ Hahahahaha! True to layp.
advertisement
Nicole Hyala: “Hiwalay na kami ng asawa ko“ EEEEEEEEEEYYYYY! Hahahahaha!Diego Bandido: Tingin ko sa mga nangyari dati, walang palusot silang ginawa. Nirerekta ko sila, kaya ’rekta rin sila humingi ng sorry. Kasi sa mga panahong masamang tao pa ako, ’pag nagpalusot ka at malinaw na gin*go mo ako, pasensyahan tayo dahil I so hate liars!
Mara Tonee: “Hindi ako ’yun! Kamukha ko lang.“
Kim Chino: “Ligo lang ako.“ ’Di na bumalik. Nalunod na yata!
Raqi Terra: “Ano ka ba? Ikaw lang nag-iisip niyan. Wala naman akong ginagawang masama.“
Titan Gelo: “Hindi ko boyfriend ’yun! Tropa ko lang...“ Pero malaman-laman ko, 4 years na sila!
Mukhang may mga linyang hindi talaga nalalaos pagdating sa isyu ng lokohan. Base sa mga sagot ng Love Radio DJs, pasok na pasok sa hall of fame ang ilan sa mga ’to! Kayo, alin dito ang narinig niyo na? O baka naman, may entry kayong mas malupit pa? Kailangan pa bang i-memorize ’yan? Basic!

