May dalawang klase ng joke sa mundo: ’yung talagang nakakatawa, at ’yung joke ng mga tatay. Hahaha! ’Yung tipong kahit ilang beses mo nang marinig, hindi mo alam kung tatawa ka ba o mapapaisip kung seryoso ba sila.
Dahil nandito na ang Father’s Day, gusto naming malaman kung ano nga ba ang pinakanakakatawang “dad joke” na narinig ng paborito niyong mga Kabisyo mula sa erpat nila, mister nila, o ’yung sila mismo ang nagbitaw sa mga anak nila!
Angkol Dagol: Sabi ng Tatay ko ’di raw siya gwapo pero charming!
Tanya Chinita: “Ikaw lang, pramis!”
Conyo Bicolano: Si Papa ko kasi ’di mahilig mag-joke pero minsan, natatandaan ko noong lasing siya, nag-joke siya. Sabi niya, “Anong isda ang rapper?” “Sapsap!” S’yempre, tumawa na lang ako or else wala akong allowance!
Diego Bandido: Sinabi ko sa anak ko na isa akong aso dati. Dahil ayaw niyang maniwala, sinabi kong hawakan niya ang collarbone ko kasi buto ng aso ’yan. Nang hinawakan niya, kinagat ko kamay niya!
Mara Tonee: “’Tay, pwede bang magpahinga?” Sagot niya, “Pwede, basta mayaman ka na.”
Kim Chino: “Makita lang kitang busog, busog na ako.” Ayun, muntikan nang magka-ulcer! Gutom naman pala. Nasabi ko na rin dati sa ka-date kong mas bata sa’kin. Ako taya lagi sa bill!
Raqi Terra: Kung magaling daw siya umutot tas tatay siya, ang tawag daw sa kanya ay FARTher. Hahaha!
Titan Gelo: Anong tawag sa grupo ng mga aso? Edi ASOciation.
Sa rami ng corny at cringe na punchlines na ’yan, isang bagay ang sigurado: kahit pa sablay ang timing, kahit pa ikaw na mismo ang napapailing sa hiya, hindi pa rin maikakaila—may magic talaga sa humor ng mga tatay. Kaya naman, maligayang Araw ng mga Ama sa’yo at sa lahat ng mga tumatayong haligi ng tahanan! Kailangan pa bang i-memorize ’yan? Basic!

Love Radio DJs, nagpa-corny-han ng mga tatay at asawa
