Copyright ©2026 LOVE RADIO
Love Radio Manila, hatid ang ‘HATID SAYA’ libreng concert sa Wattah Wattah Festival 2026
Love Radio Manila, hatid ang ‘HATID SAYA’ libreng concert sa Wattah Wattah Festival 2026
June 15, 2026

Alam mo ba ‘yung pakiramdam na sama-sama lang kayong masaya, kumakanta ng paborito niyong mga kanta, at sandaling nakakalimot sa mga alalahanin? ‘Yan ang gusto naming ihatid sa lahat ngayong Sabado sa pamamagitan ng HATID SAYA libreng concert sa Pinaglabanan Shrine, San Juan City!

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Wattah Wattah Festival 2026, inaanyayahan namin ang lahat na makisaya sa isang gabi ng kantahan, kwentuhan, at magagandang alaala bago sumapit ang mismong selebrasyon sa June 24. Sa June 20, alas-8 ng gabi, magsasama-sama ang mga pamilya, magkakaibigan, at mga Kabisyo para sa isang espesyal na event na siguradong magdadala ng aliw sa buong komunidad.

advertisement

Mas lalo pang magiging masigla ang gabi dahil makakasama natin ang Aegis, Jojo Mendrez, at NAIBA, na handang maghatid ng mga kantang siguradong sasabayan ng buong crowd. S‘yempre, present din ang Love Radio DJs na araw-araw niyong kasama sa biyahe, sa trabaho, at sa bawat sandaling kailangan niyo ng good vibes at magandang tugtugan.

At dahil mas masarap sa pakiramdam kapag may kasamang sorpresa, may pagkakataon ding makapag-uwi ng iba’t ibang papremyo tulad ng appliances, bigas, cellphones, cash, at marami pang iba. Kaya habang nag-e-enjoy sa mga performance, maaari ring umuwi ang ilan na may dagdag na biyaya.

Kung gusto mong magkaroon ng hindi malilimutang bonding kasama ang mga mahal mo sa buhay ngayong weekend, ‘wag palampasin ang HATID SAYA libreng concert!

Other Trends
Now Playing!
90.7 Love Radio Manila
Loading...