Hindi lang music at entertainment ang aasahan niyo dahil may masayang tambayan na namang ihahatid ang Love Radio Manila sa Muntinlupa sa pamamagitan ng HATID SAYA—isang libreng concert na gaganapin sa May 30, 6 PM, sa Southville 3 Covered Court, Poblacion, Muntinlupa!
Makakasama niyo ang mga paboritong niyong DJ para sa masayang salu-salo ng kwentuhan, kantahan, at kulitan. Makikiisa rin ang mga OPM artist na siguradong magdadagdag ng good vibes sa program.
Mapapanood natin ang Repablikan, ang grupong kilala sa kanilang signature hugot rap style at mga kantang tumatak sa maraming Pinoy tulad ng “First Love,” “Mhine,” at “Luha.” Makikigulo rin ang Breezy Boys, na patok sa kanilang Pinoy rap, R&B, at acoustic hip-hop sound sa mga kantang “Dear Biyenan,” “Kahit Alanganin,” at “Darating Ka Din.”
Kasama rin sa lineup ang “Revival King” na si Jojo Mendrez na kilala sa pagbibigay-buhay sa OPM sa pamamagitan ng mga awiting “Magkabilang Mundo,” “Yakap,” at “Nandito Lang Ako.” Hindi rin magpapahuli ang Maharlika Hood, na kilala sa kanilang street-inspired music at mga kantang sumasalamin sa tunay na kwento ng kalsada, habang paiinitin naman ng MUB Band ang entablado sa kanilang high-energy live performances at crowd-favorite hits.
Bukod sa performances, may mga papremyo ring naghihintay sa mga pupunta tulad ng appliances, sako-sakong bigas, pera, cellphone, at iba pa! Kaya habang nakiki-jamming at nag-e-enjoy, may pagkakataon ding umuwi nang may dagdag sorpresa.
Kaya ipunin na ang barkada, kapitbahay, at pamilya, at makiisa sa HATID SAYA ng Love Radio Manila para sa isang gabing hindi malilimutan!

Love Radio Manila, mamimigay ng sandamakmak na papremyo sa ‘HATID SAYA’ libreng concert sa Muntinlupa
