Copyright ©2026 LOVE RADIO
Mag-ina sa Bohol, nagkita na matapos ang 20 years ng paghihintay
Mag-ina sa Bohol, nagkita na matapos ang 20 years ng paghihintay
May 9, 2026

Kung may isang video na nagpaiyak sa mga Kabisyo natin, lalo na't paparating ang Mothers' Day, ito na siguro ‘yun Viral ngayon sa TikTok ang video ni Glea Jeane Lozada kung saan makikita ang napaka-emotional na reunion ng kaniyang nanay at lola sa Bohol matapos ang halos 20 years na hindi pagkikita.

Kuwento ni Glea, dalaga pa ang kaniyang nanay nang umalis ito ng probinsya at magpunta sa Cagayan de Oro para magtrabaho at mabuhay ang pamilya. Dahil sapat lang ang kinikita para sa araw-araw, laging naudlot ang plano nilang pag-uwi.

advertisement

Mahigit-kumulang Php 50,000 ang ni-loan ni Glea para lang makauwi sila sa Bohol. Nakakalurkei ang presyo, 'di ba? Pero dahil mas mahalaga ang pamilya, tinuloy pa rin nila ang reunion na ito.

@gmanews UMUTANG SA BANGKO PARA MAKAUWI 🥹 Naging emosyonal ang ilang netizen sa TikTok video ni YouScooper Glea Jeane Lozada kung saan makikita ang nakakaantig na reunion ng kaniyang ina at lola pagkaraan ng dalawang dekada. Kuwento ni YouScooper Glea, nakunan ang video sa Bohol kung saan naninirahan ang kaniyang lola na siya ring kinagisnan ng kaniyang ina. Dalaga pa raw ang kaniyang ina nang umalis siya sa probinsya at tumungong Cagayan de Oro upang magtrabaho bilang housekeeper. “Sakto lang din po ‘yung kinikita niya para sa pagpapalaki sa amin ni bunso kaya wala rin po siyang budget para makauwi sa kanila,” saad ni YouScooper Glea sa panayam ng GMA News. “Matagal ko na rin siyang pinapauwi sa kanila noong nagkaroon ako ng trabaho pero tumatanggi siya. Saka na lang daw kapag sakto na ang pera,” dagdag ni YouScooper Glea. May pagkakataon din daw na kinailangan ni YouScooper Glea magpa-opera kaya’t nagastos ang perang naipon niya na dapat sana’y nakalaan sa pamasahe ng kaniyang ina pauwi ng Bohol. Aniya, maging sa pagkamatay ng kaniyang lolo at hanggang sa ika-80 na kaarawan ng kaniyang lola ay hindi nakauwi ang kaniyang ina. Nang dahil sa labis na kagustuhan na mabigyan ng pagkakataon ang kaniyang ina na makauwi sa Bohol ay naisipan niyang mag-loan sa isang bangko. “Nag-risk po talaga ako umutang ng pera. Ang pera naman po kasi ay kikitain, hindi po nito matutumbasan ‘yung saya ng nanay ko nu’ng makauwi siya,” pagdiriin ni YouScooper Glea. #YouScoop Video courtesy: YouScooper Glea Jeane Lozada #GMANews ♬ original sound - GMA News
Other Trends
Now Playing!
90.7 Love Radio Manila
Loading...