advertisement
Nagharap na nga ang dalawa noong January 11 sa Sunday show. Habang kumakanta, hindi nga mapigilan ni Moira ang kaniyang tawa at ilang beses pang nagtakip ng mukha. Dahil palaban si Rufa, kada hinto ni Moira sa pagkanta ay talaga namang tinatapos niya! Hahaha!
Umani ng nakakatawang komento ang kanilang video online. Sabi ng isang fan, "Imbes na maiyak ako sa lungkot, naiyak ako katatawa!" Say naman ng isa pa, "I think hindi po makasabay si Moira kay Rufa!" Na para bang dapat i-voice lesson ni Rufa si Moira!
Hindi lang sakit, este, sarap sa tainga ang natunghayan ng audience. May halong kilig din nang muling magkita ang mag-ex na sina Rufa at Erik Santos. Biro pa ni Erik, kuhang-kuha pa raw ni Rufa ang mga itinuro niya noon dito.
Napanood niyo ba ang duet na ito, Kabisyo? Kung oo, bakit?! CHAROT! Hahaha!
